Monday, December 25, 2006

heartsong


in the silence of our hearts,there is a song that only we can hear. there is a song that only we can sing. in the silence of our hearts, there is a song that we are invited to sing forever with our Lord of love... with our Lord of songs

awit ko, awit Mo

may awit ang pusong
umiibig sa 'Yo
may lulang pag-asang
mula sa puso Mo
kahit minsa'y kay layo
hinahanap Mo ako
at marahang inaayang
bumalik sa piling Mo

may awit ang pusong
umiibig sa 'Yo
may lulang pag-asang
iingatan Mo ako
kahit minsa'y di binawi
aruga't kalinga Mo
sa buhay ko'y labis
ang pagpapala Mo

ako ngayo'y umaawit sa 'Yo
ng buong buhay ko, ng buong puso ko
nang matahak ang landas
na S'yang nais Mo
nang mayakap
ang awit ko
ng awit Mo
dec.25.2k6
*photo taken @ nadela residence, busay, cebu city
copyright dougs joson may2006

2 Comments:

Anonymous tweesha said...

Maganda ang awitin mo, Aldougs. Galeeeeng! Can't wait to hear your choral arrangement at yung arrangement na gusto mo with strings and flute. Sana maganda ang kalalabasan. :)

12:46 AM  
Blogger Vetzky said...

hi sir! blog hoppin'.. hop!hop!hop!

11:05 PM  

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home