waiting
but there is a different type of waiting that neither abhors efficiency nor impedes creativity. there is a different type of waiting that comes not only from patience, but from hope.
there is a different type of waiting that springs from hoping in a God who hopes in us.
in a God who waits for us.
paghihintay
naghihintay ang pusong
may kasamang pagtahimik
nag-aabang ang diwa
kahit kay dilim ng langit
nahihimlay sa duyan
ng ala-alang kumakapit
sa hanging umiihip
at mga talang umaawit
may kasamang pagtangkilik
sa pag-asang di malaon
ang umaga nga’y sasapit
nahihimlay sa duyang
hinahabi ng pag-ibig
at marahang inaalon
ng paghele ng `Yong awit
sadyang mahaba man ang gabi
may pag-ibig na hindi napapawi
may tiwalang mamalagi
may pag-asang manatili
sa pag-ibig na hindi nagkukubli
hindi man lubusang matanto
ang pag-inog nitong aking mundo
may pag-asang mula sa `Yo
inaawit nitong puso
na nagtitiwalang Ika’y kapiling ko
*photo taken @ arvisu.jesuit.prenovitiate, copyright dougs joson feb2006
(featured in the photograph is martin licup, a fellow prenovice who hails from candelaria, quezon)
4 Comments:
Hi Aldo.
Yes, I know what it means approximately. Neither do I have a doctorate in waiting.
But God has.
Jboy SJ
paghihintay. di ba lahat naman tayo naghihintay? minsan, hindi natin alam, naghihintay tayo kahit na akala nating dumating na ang lahat. ako, naghihintay ng umuwi...
this song never fails to capture my soul. it speaks so barely, so simply of a soul in waiting. i guess it touches a chord deep within that creates the hum of melancholy...you know why.
that thing you said about waiting... was very nice...
nagdudugo na ilong ko, sa totoo lang.
Post a Comment
<< Home